Moon or Sun????



          Someone asked me out of curiousity in our random topic conversations….

why do you love the moon so much? Well honestly napaisip ako bakit nga ba gandang ganda ako sa kanya. Then she addeddiba star sign mo ay closely related to the sun, edi dapat naeenjoy mo ang araw”.

 Tyaka ako nakaisip ng sagot…

“eh bakit ang magnet ang side N naa-attract sa side S and vise versa”

“kasi opposite attracts”

“Then that’s the answer to your question.. =)… dahil kapag both side S ng magnets ang pinagdikit mo, you can feel the repulsion.. and that’s bad in our society kaya mapapansin mo ang mayabang galit din sa kapwa niyang mayabang. The one’s who have almost the same attitude will not last together; they will only end up hating each other. Kaya mas okay talaga kapag medyo magkaiba kayo ng ugali kasi yun yung relasyon na mas may matututunan ka.”

“so maghuhugutan ba tayo dito?”

“di naman unless gusto mo hahaha”

Then we proceed to another topic…

          Pero ng dahil sa tanong na yun napaisip talaga ako.. ako lang ba ang sobrang in love na in love sa moon?? As in yung totoo?? Normal naman akong tao ah.. I look for the moon whenever im outside at the evening. Nalulungkot pa nga ako kapag walang buwan eh…

          Alam mo yung feeling na gusto mong kuhanan ng litrato ang isang bagay na kay ganda pero pag ginawa mo na hindi ka parin satisfied sa nakuha mo sa camera mo… isa yan sa mga bagay na nagpapaganda sa moon sa paningin ko. Dahil gano man ako kadesperate na kuhanan sya ng litrato dahil sa ganda niya ang ending naman sa phone mo ay isang maliit na malabong bilog.. tama o tama?? Hahaha..

          Ang buwan hindi siya nakakasilaw titigan, ang amo niya-nakakakalma ng pakiramdam. Gano man kadilim ang gabi nagagawa niya pading magbigay ng sapat ng liwanag para hindi ka madapa sa iyong paglalakad tuwing gabi. Saktong sakto lang. ang galing ni God no! minsan iniisip ko ang araw kaya ganyan din ang itsura?? Kasi bilog din naman ang araw diba… nakakasilaw lang masyado.. I just wonder…

          That’s why binigay satin ni God ang mga mata, memorya at utak. Para maappreciate natin ang mga ginawa niya bago pa maging huli ang lahat, bago pa mawala ito o bago pa man dumating ang araw na hindi na natin ito masilayan. Mata, isang bahagi ng katawan natin na nakakapag bigay direksyon sa lahat ng gawain natin. Tama o tama?? Magkakaiba ng appreciation way at interest ang bawat tao. Ganunpaman, pare-parehas tayong may mga inahuhumalingan na bagay na nakakapagpasaya sa atin. Kung saan saan na ako napunta….. ang nais ko lang naman sabihin ay “ang nakikita ng mga lente ng ating mga mata ay higit na mas maganda kesa sa nakikita ng mga lente ng kamera.” Parang feelings at experience sa isang okasyon ung saan sobrang saya mo lahat ng iyon ay hindi makukuwanan ng kamera, maaring meron kang litrato o bidyo pero lahat ng iyan ay bahagi lamang dahil ang mga iyan ay walang emosyong nakukuha-maaari lamang nitong ipaalala sa iyo ang mga kaganapan pero hindi ka na nito maibabalik pa sa yugtong iyon ng buhay mo.

          Ayun lang nais ko lang talagang ishare lahat ng ito.. new thoughts of mine.. =)


          Nga pala.. Ang buwan at araw nandyan lang sila pabalik balik binibigyan ka ng panahon para magpahinga para sa muling pagdilat ng iyong mga mata ay matatag kang babangon upang harapin ang panibagong araw. So take a good rest for a better tomorrow.. good night!! =)

No comments:

Post a Comment