Someone asked me out of curiousity in
our random topic conversations….
“why do you love the moon so much?” Well honestly
napaisip ako bakit nga ba gandang ganda ako sa kanya. Then she added “diba star sign mo ay closely related to the
sun, edi dapat naeenjoy mo ang araw”.
Tyaka ako nakaisip ng sagot…
“eh bakit ang
magnet ang side N naa-attract sa side S and vise versa”
“kasi opposite
attracts”
“Then that’s the
answer to your question.. =)… dahil kapag both side S ng magnets ang pinagdikit
mo, you can feel the repulsion.. and that’s bad in our society kaya mapapansin
mo ang mayabang galit din sa kapwa niyang mayabang. The one’s who have almost the
same attitude will not last together; they will only end up hating each other. Kaya
mas okay talaga kapag medyo magkaiba kayo ng ugali kasi yun yung relasyon na
mas may matututunan ka.”
“so
maghuhugutan ba tayo dito?”
“di naman unless
gusto mo hahaha”
Then we
proceed to another topic…
Pero ng dahil sa tanong na yun napaisip
talaga ako.. ako lang ba ang sobrang in love na in love sa moon?? As in yung
totoo?? Normal naman akong tao ah.. I look for the moon whenever im outside at
the evening. Nalulungkot pa nga ako kapag walang buwan eh…
Alam mo yung feeling na gusto mong
kuhanan ng litrato ang isang bagay na kay ganda pero pag ginawa mo na hindi ka parin
satisfied sa nakuha mo sa camera mo… isa yan sa mga bagay na nagpapaganda sa
moon sa paningin ko. Dahil gano man ako kadesperate na kuhanan sya ng litrato
dahil sa ganda niya ang ending naman sa phone mo ay isang maliit na malabong
bilog.. tama o tama?? Hahaha..
Ang buwan hindi siya nakakasilaw
titigan, ang amo niya-nakakakalma ng pakiramdam. Gano man kadilim ang gabi
nagagawa niya pading magbigay ng sapat ng liwanag para hindi ka madapa sa iyong
paglalakad tuwing gabi. Saktong sakto lang. ang galing ni God no! minsan
iniisip ko ang araw kaya ganyan din ang itsura?? Kasi bilog din naman ang araw
diba… nakakasilaw lang masyado.. I just wonder…
That’s why binigay satin ni God ang
mga mata, memorya at utak. Para maappreciate natin ang mga ginawa niya bago pa
maging huli ang lahat, bago pa mawala ito o bago pa man dumating ang araw na
hindi na natin ito masilayan. Mata, isang bahagi ng katawan natin na nakakapag
bigay direksyon sa lahat ng gawain natin. Tama o tama?? Magkakaiba ng appreciation
way at interest ang bawat tao. Ganunpaman, pare-parehas tayong may mga
inahuhumalingan na bagay na nakakapagpasaya sa atin. Kung saan saan na ako
napunta….. ang nais ko lang naman sabihin ay “ang nakikita ng mga lente ng
ating mga mata ay higit na mas maganda kesa sa nakikita ng mga lente ng kamera.”
Parang feelings at experience sa isang okasyon ung saan sobrang saya mo lahat
ng iyon ay hindi makukuwanan ng kamera, maaring meron kang litrato o bidyo pero
lahat ng iyan ay bahagi lamang dahil ang mga iyan ay walang emosyong nakukuha-maaari
lamang nitong ipaalala sa iyo ang mga kaganapan pero hindi ka na nito
maibabalik pa sa yugtong iyon ng buhay mo.
Ayun lang nais ko lang talagang ishare
lahat ng ito.. new thoughts of mine.. =)
Nga pala.. Ang buwan at araw nandyan
lang sila pabalik balik binibigyan ka ng panahon para magpahinga para sa muling
pagdilat ng iyong mga mata ay matatag kang babangon upang harapin ang
panibagong araw. So take a good rest for a better tomorrow.. good night!! =)